Friday, August 11, 2006

10 kinds of "manliligaw"

10 kinds of suitors naman.. This is very funny and very true.. Hahaha.. Again.. I commented on each,,

1. Mr. Gwapings - mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!"
-->one word "JERK!"

2. Mr. Quickie - ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin
kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang
linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis
ang pagsagot mo.
-->another one worded comment "IMPATIENT!!"

3. Mr. Everything - linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." tanga ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.
-->now, girls need tape recorders with this kind of suitor.. so she'll have evidence that he really said such thing..

4. Mr. Stalker - eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong
na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong
kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo
kelangan malaman nya.
--> can also be a daily planner suitor.. =)

5. Mr. Take it or leave it - pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas
may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.
-->desperate!!

6. Mr. Salesman - dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o
kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.
-->career oriented, eh?

7. Mr. Good Dog - eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga
bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. napapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti
yan.
-->I want a ssslaaavve!!! =)

8. Mr. Anonymous - motto nya ang "action speaks louder than voice". wala kang kaalam-alam,
nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!
-->reminds me of someone.. hahaha..

9. Mr. Second chance - sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing
ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin "Please give me a second
chance"
-->100th time yet still using the same line? shouldn't that be, "Please give me a 100th chance??"

10. Mr. Romantiko - jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin" awww! (totoo b yan?!)
--> with the extinction of dragons is chivalry..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home