Sad Letter
A very,very sad letter. Well, at least it is a very,very sad letter for me. It is written in Tagalog (my native language) because the receipient of this letter is not that well-versed with english.
Isang liham para sa isa sa mga pinaka-importanteng tao sa aking buhay:
Tatang, kamusta ka naman ba dyan? Ang tagal na nating hinde nagkikita, miss na miss na kita. SOBRA. Ako ba namimiss mo na? Aba dapat lang, ako yata yung pinaka-maganda mong apo. Anu na ba ginagawa mo ngayon? Kumain ka na ba? Hulaan ko ulam mo, ulo ng tilapia noh? favorite mo yun diba? Tapos may dessert ka na asukal. Pakabusog ka dyan. Sigurado naman ako okay ka lang dyan eh. Siyempre kasama mo si Ima diyan, at saka alam ko hinde ka papabayaan ng mga kaibigan natin diyan. Kalbuhin ku sila pag pinabayaan ka nila. hehehe. Pakasaya ka dyan 'Tang, wag mo na kame masyado alalahanin dito. Okay naman kame dito. MEdyo nahihirapan ng konti kase namimiss ka namen pero carry pa naman. Kame pa!
Si mommy naiiyak pa din every now and then, pero okay naman siya. Pinapagalitan ko kase siya pag nasosobrahan, lam niyo na, baka tumaas nanaman ang bp. Pasaway kase yung nanay ku na yun eh. Peo naiintindihan ku naman ung nararamdaman niya. Namimiss ka lang niya ng sobra. Namimiss ka lang namen ng sobra. Ikaw kase eh, umalis daw ba ng walang paalam. Pasaway. Babalik pa kame, hinde mo man lang kame nahintay bumalik. Hmph! Nagtatampo ako sayo. Joke. hihihi.. Naiintindihan din naman kita eh. Alam ko ayaw mo din kame iwan pero mas okay na na andyan ka, masaya at hinde nahihirapan kaysa andito kasam namin pero nahihirapan ng sobra.
Onga pala 'Tang, binigyan ka ba ng mga kaibigan natin diyan ng powder, shades at maong jacket? Hinde ka na kase namen napabaunan eh. Ambilis mo kase umalis. Pero mas maganda naman mga gamit nila dyan, branded pa. At saka, nagpa-dye ka na din ba ng buhok? Nung huli kase kita nakita puti na lahat ng buhok mo. Waa hinde ka na mukhang cool nun. Kaya dapat nagkulay ka na ng buhok. Para jeproks ka ulit. Tapos ang powder at cologne, wag kakalimutan ha.
Ggraduate na nga din pala ako. Next year, ggraduate na yung pinaka-maganda niyong apo. Dadame na pera ko. Matutupad na yung pangarap naten na yumaman ako tapos makapag-asawa ng mayaman. Hehehe. Tapos na ko sa pagaaral ko. Kaya lang, nakakainis naman toh, sabe mo kase saken gusto mo pag-graduate ko andun ka, panu na kaya yun? eh umales ka, ang layo-layo pa ng pinuntahan mo. Tsaka paano ko tutuparin yung promise ko sayo, yung ililibre kita sa una kong suweldo. Eh iniwan mo na ako.. Hay naku talaga. Panu yan? Eh di wala ka ng jollibee.
Tatang, magpapasko na ulit. Nakakalungkot naman, hinde ka na namen makakasama magpasko. Pero okay lang, kasama mo naman si Ima. ahehehe. Pero mamimiss ko talaga yung mga paskong kasama kita, kasama ka namen. Sobrang kulang ng pasko ngayon, wala ka kase. Wala ng magpapagalet saken kase maingay ako sa dining table. Wala na din ipagluluto si mommy ng chicken feet. Tapos wala na ako reregaluhan. Hinde kita naregaluhan last year kase medyo wala akong budget eh. Sayang, rich-kid pa naman ako this year, kaya lang panu ku pa maibibigay yun gift ko sayo eh ang layo-layo mo na. Hay naku naman kase.Anu ba yan? Paano ko magpapasko ng wala ka? Paano kame magpapasko? Hinde kumpleto yung pasko pag wala ka tang.Bakit naman kase mamasyal ka lang sa malayo pa tapos sa lugar pa na hinde ka na puede bumalik samen.
Anyway, since nandyan ka na din naman, pede mo ba ako ilakad kay Papa Jesus? Ihinge mo naman po ako ng lakas. Alam ko binabantayan mo ako at nakikita mo ako ngayon, kaya sigurado alam mo kung ano pinagdadaanan ko ngayon. Ah-eh, medyo kelangan ku kase po ng tulong. Alam niyo na, konti lakas lang ng loob.
Sige po, 3:30 na ng umaga at may klase pa ako mamaya. Tatang, miss na miss ko na po kayo. At lage niyo po tatandaan na kahit nasa malayo na kayo, hindeng-hinde magbabago ang pagmamahal ko para sa inyo. Kaw ata ang the best lolo ko.
Ang inyong pinakamagandang apo,
Yvette
************************
I SO MISS MY "LOLO". Oh Christmas! How will I spend you this year? Christmas wont be complete without my grandfather. Nothing is complete without him
1 Comments:
Aww... I miss my lola too... she died just this last friday night and 'tis really painful.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home