Monday, August 06, 2007

Eh sira pala ulo mo eh!!!

From bad to worse to worst. What's next huh?

God, are you really trying to break me apart?
___________________________________
Isa nanamang sulat na gawa sa tagalog.(naiinis kase ako..hmp!) Pero hinde na malalim na tagalog ah. 3am na kase, hinde na magfunction ng matino utak ko.


Aion..

Hoy ikaw!

Oo, ikaw. Anu bang kinakagalit mo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Masisiraan ako ng baet sayo eh. Hinde kita maintindihan.

Hinde ba ikaw na rin ang nagsabe na i-lihim muna naten lahat? Tapos kahit hinde ako okay sa ganun, pumayag ako. Bakit? Kase mukha namang valid ang reason mo. At saka may tiwala ako sayo. Sa tingin mo, sinong babae ang nasa matinong pag-iisip ang papayag sa proposition mo? AKO LANG! Kase wala ako sa matinong pag-iisip.

Epal ka! Naiinis ako sayo. Ikaw ang may gusto ng ganito tapos bigla kang magagalit! Eh sira ka pala eh. Tignan mo ngang mabuti ang nakalagay sa profile ko, "I'ts complicated", paki-compare nga sa nakalagay sa profile mo! Diba ung nakalagay sayo, "Single".. Sa tingin mo sino ung may mas karapatan na magalit at mainis.

Nagpakatanga na ako. Marameng beses na. Sabi mo pa nga nun sa akin, tama na eh. Eh bakit pinagmumukha mo ako tanga ulit ngaun. Sinong matinong babae kaya yung papayag na maging girlfriend ng taong gusto niya tapos mag-secret-secretan sila. Sa anong dahilan? Kase hinde pa ready ung sira ulong lalake na sabihin na may girlfriend na siya. Ang tanga ko talaga at pumayag ako sa ganong set-up. Nagtanga-tangahan nanaman ako.

Akala ko pa naman iba ka sa kanya, akala ko hinde mo sasaktan at pagmumukhaing tanga. Eh you're worse eh. Tangna! at tanga ko naman at pumayag ako. Hinde ko talaga maisip kung bakit. Prang nung magsabog ng katangahan at Diyos sa mundo naisipan ko ata maglakad ng walang dalang payong at nakahubad.

Leche ka! wala kang karapatan magalit sa akin at sumbatan ako! Hiningi ko ba lahat ng tulong at oras na binigay mo! Ikaw ang nag-offer. Ikaw yung hinde pumapasok. Kahit kailan hinde kita pinilit samahan ako. Kung alam ko lang na isusumbat mo sa akin lahat ng ito. Hay naku! Nagpakamatay na lang sana ako bago ako nagpa-comfort sayo.

Sorry ah! Hinde ko maibigay yung gusto mo! Magsama kayo ng babaeng papansin na yan. Tutal naaaliw ka naman sa company niya. At tutal siya naibibigay niya yung gusto mo. Hay naku! Buti na lang talaga, ginagamet ko kahita papano ung utak ko kahit tanga ako. At naisipan ko na hinde ibigay lahat sayo. Wag mo ko bigyan ng excuse na lalake ka lang, tao nagkakasala. Leche, gamit na gamit na yun. Eh kung hinde ka pala makapag-hintay, eh mas bagay nga kau ni Ms. Papansin.

Sinungaling ka! Akala ko aalagaan mo na ako ng totoo! Kase nag-promise ka! Ako naman hinde na natuto, naniwala ako sa empty promise mo. Pare-parehas lang pala kayo. Nag-eenjoy kapag nakakapanakit ng ibang tao. Puro kasinungalingan lang ang alam sabihin.

Kung hinde mo pala ako kayang alagaan, sana nun una pa lang sinabe mo na at sana hinde na ako umasa. Kaya ko naman alagaan ung sarili ko eh. Kaya lang naniwala ako na aalagan mo ako. Ang gusto ko lang naman, ung mafeel na may nag-aalaga saken. Kase from the start ako lang nag-aalaga sa sarili ko. Hay nakakainis talaga!

Kung gusto mo ako kausapin, siguraduhin mo lang na may bit-bit kang original at katanggap-tanggap na dahilan. Kase kung wala, naku. Kakalbuhin kita. Kaya kung wala ka masabeng iba pang dahilan at kagaya lang ng mga sinabe mo kanina ang mga sasabihin mo. Sorry-sorry na lang. Rejected! Denied! ang mga ganung reasons.

No more lies, please! Nagsasawa na akong pinagsisinungalingan.

________________________________________

Done! I hope nobody would misinterpret this now and think that this is for them even though it's not. I think the message is clear enoguh for the person to know that this is for him and for the others to know that this is not for them.

Sorry guys, angsty post, yeah. But I can't help myself. I would explode if I don't do this. Well, because I cannot very well tell him this face to face. But since he reads my blog, I just hope he'll be able to read this post too.

Anyway, that letter robbed me of my energy. I think I should get some sleep now. I'm still feeling sh*tty, I just hope when I wake up, I'll feel a lot better.

I really hate guys whe tell lies!!

3 Comments:

At 11:24 PM , Anonymous Anonymous said...

Hinde ka talaga makapaghintay.

I'm coming home in a few months, and yet you managed to let yourself be hurt again before I get there.

Wait for me, we'll get your revenge.

 
At 12:29 AM , Blogger ahnjellie said...

you really don't have to call yourself "tanga" Miss Muse, it is quite understandable that if you agreed with such a proposition of a so-called secret situation... it is only because you love that person. ...we tend to forget to use our brain when we are in love so it is understandable :P

honestly, I was laughing while reading your post. it is not pity that I have for you... rather... oh how do I put this? LOVE IS ALL AROUND... and maybe I am just too bitter not to have any of that right now but well... with the pain and sorrow coming with it, I am happy to be not in love at the moment.

I remembered our little conversation at the office... :P really ironic isn't it? MEN, WHO NEEDS THEM?!?!

 
At 9:25 PM , Blogger Vetzky said...

Hay naku jelai.. Yeah, one shouldn't hurry falling in love..

Don't be like me.. Hahaha.. I make a hobby on falling in and out of love.. And its so frustrating..

Yeah!yeah! MEN, WHO NEEDS THEM?!?!?

They are just nuisance and distractions.. Hmm.. I wonder when will I get tired of doing this..

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home