a letter for YOU
Ito ay isang sulat ng pamamaalam para sa isang taong minahal ko ng lubusan. Gagawin ko ang liham na ito sa lengwaheng tagalog(susubukan ko), upang maipahatid ko sa taong iyon ang taos puso kong pamamaalam. Marahil, itong liham na ito na din ang magsisilbing mitsa upang tuluyan ko na ding sunugin ang tulay na nagdudugtong sa aming dalawa.
Para sa aking espesyal na kaibigan,
Hindi ko inaakalang mauuwe tayo sa ganito. Marame na din ang sa akin ay nagsasabe na pakawalan na kita dahil wala rin tayong patutunguhan. Ngunit hinde ako nakinig, umasa ako at hinde bumitaw dahil iyon ang hiling mo sa aken.
Marame na tayong pinagdaanang hirap na nagpatatag sa ating pagsasama. Kaya kahit sa panaginip ay hinde ko inakalang sasabihin ko sa iyo ang isang salita na nung simula pa lamang ay napakahirap ng bigkasin. PAALAM, paalam na sa iyo. Tuwing tayo ay hihingi ng oras para sa isa't-isa, pilit kong iniiwasan ang sayo ay mamamaalam.
Dahil naniniwala ako na ang salitang PAALAM ay nangangahulugan ng panghabang-buhay, na ang salitang PAALAM, sa oras na aking bigkasi'y walang bawian.
Kaya kahit anong hirap at sakit man ang aking maranasan, hinde ko naisip na sa iyo ay mamaalam.
Ngunit heto ako ngayon, gumagawa ng isang liham ng pamamaalam. Siguro nga'y panahon na upang palayain ko na ang aking sarili mula sa pag-asa ko sa iyo nang wala namang kasiguruhan. Mahirap ngunit kailangan kong gawen dahil wala na akong makita pang ibang paraan upang pareho na tayo malagay sa tahimik.
Nais ko pa sanang lumaban, ngunit ikaw na rin and unang sumuko. Handa naman akong maghintay, sanay na naman ako ng may kahati. Ngunit aking napagtanto na hindi ito magiging patas para sa kanya, para sa taong na iyong pinili. Siguro ay tama na na ako na lamang ang nasaktan at huwag ko ng idamay pa siya dahil wala naman siyang kasalanan.
Bakit ba napakadali mong ibigin, ngunit napakahirap mong limutin?
Sana'y bago mo tuluyan inilipat ang pahina na libro, sana man lang ay naalala mo na pasabihan ako, kahit na alam ko na hinde mo naman responsibilidad iyon.
Siguro nga'y eto na ang hangganan ng kwento nating dalawa. Hanggang dito na lamang talaga tayo at wala ng ihahaba pa. Mahirap ngunit kailangan ko na tanggapin ang katotohanan na mawawala ka na talaga sa akin.
Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyare sa atin. dahil lahat ng iyon ay itatago ko dito sa aking puso at pakakaingatan.
Pero sana ang hiling ko lang, kasabay ng pamamaalam na atin sa isa't-isa ay ang paglimot natin sa isa't-isa. Hinde ko ata kakayanin ang maging kaibigan ka, siguro sa hinaharap, pag nagkasalubong muli ang ating landas ay maaari tayong maging magkaibigan muli, ngunit hinde pa ngayon yun. At mukhang matagal-tagal pa iyon.
Bakit ba kahit matatapos na ang aking liham ay hinde pa rin ako makapaniwala na tuluyan na akong magpapaalam sa iyo? Marahil hinde ko ito nasabe sayo o naiparamdam ng tama, kaya hayaan mong kunin ko ang oras na ito para masabe ko sayo
mahal na mahal na mahal kita. hinde ko napansin pero minahal kita ng higit pa sa aking inakala. kahit na anu pa man ang nangyare, mangyare, at mangyayare hinding hinde ko makakalimutan na minsan sa buhay kong ito ay minahal ko ang isang taong tulad mo.
PAALAM NA SA IYO, KAIBIGAN
.....................
And that's it. I hereby certify that everything mentioned above,though I hate to admit it,are true and correct.
Damn it, I am always wondring what wrong have I done to the world and I am being punished like this? Always alone, I grew up alone, will I also grow old alone?
5 Comments:
finally! you idiot!
damn it lance.. if you just know what i've been thru before writing this letter..
damn it! damn it! damn it!
i really wanted to be with him.. I never wanted anything this bad.. i am willing to wait.. but he wont let me wait..
damn it lance.. im at a loss..
hakhakhak and here I was doing a tagalog post for someone... just the night before you did this post. I find it sorta weird. Oh well. :D
anyway, aww... ako namamaalam rin, actually... not really paalam, wala ng ganun ganun basta "BYE" yon na wahahah...
ayoko na rin siyang maging kaibigan, at whatever, kung sino man nagkamali samin eh wala na akong pakiramdam kasi alam kong ginawa ko ang lahat lahat... kaya bahala na... wala akong pagsisisi...sounds familiar?
nakoh kailangan talagang may ganyan sa buhay, aking ate... :P basta andito lang ako, text text ka lang pag mei prob ka ehehehehe :D tishi olweish ate!!! muwah!!!
thanks jelai..
it was nothing serious..
just burning bridges that connects me to the past..
and oh.. what a lovely site those flames make..
Isang tugon sa isang liham na inalay sa akin ng isang espesyal na kaibigan:
Salamat aking kaibigan, sa kalayaan na iyong ipinagkaloob. Nagpapasalamat din ako at hinde ka nagtanim sa akin ng galit at sama ng loob.
Sana ay mapatawad mo ako sa lahat ng aking nagawang mali. Huwag na huwag mong iisiping hindi kita minahal at lahat ay isa lamang kasinungalingan, dahil hindi iyon totoo.
Marame akong kasalanan at pagkakamali na nagawa sayo at lahat ng iyon ay akin ng pinagsisisihan at pagsisisihan pa ng mahaba-habang panahon. Hindi ko naman kagustuhan ang saktan ka ng paulit-ulit. Patawad aking kaibigan.
Sana nga ay mapabilis ang pagdating ng panahon na pupuede na ulit tayo maging magkaibigan. Na tuluyan mo nang mapatawad lahat ng kasalanan ko sayo.
Kahit ano pa man ang mangyare, gusto kong malaman mo na masaya ako at nakilala kita at naging parte ka ng buhay kong ito. Salamat sa lahat ng alaala na iniwan mo. Sana ay mahanap mo na din ang kaligayahan, dahil wala na akong iba pang hiling kundi sumaya ka din.
Mahal din kita aking kaibigan at kailanma'y hinde iyon magbabago.
=rYoI-cHaN=
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home