Huwag mo akong PAASAHIN SA WALA
Sana noon palang ay sinabe mo na
Na ito'y isang kalokohan, wala lang talaga
Hinde yung pinilipit mo pa akong umasa,
Umasa pero sa wala din naman pala mapupunta.
Noo'y ginusto kong huwag paniwalaan
Mga bagay na sadyang kasinungalingan
Ngunit ngayo'y hinde ko na maiwasan
Naabot ko na ang aking hangganan.
--------------------------------------------------------------
Napaka-walang kwenta. Araw-araw na lang, wala na akong ginawa sa buhay ko kungdi magreklamo sa lahat ng nangyayare. Hinde na ako nakuntento at maya't-maya ay kung ano-ano na lang ang aking naiisip.
Kagabe, kahit sobrang pagod at kulang sa tulog (at lasing) hinde ko magawang piliting matulog ang aking sarili. Habang bumibigay na ang aking katawan sa pagod, patuloy pa din sa pagtakbo ang utak ko. Parang Super computer sa bilis ng pagpproseso at pag-aanalisa ng mga bagay-bagay.Hinde ko pa natatapos isiping ang isang bagay, ay may pumapasok na namang bago.
Ayaw ng gumising ng katawan ko, gusto na nitong matulog, at pinagbigyan naman ito ng aking isip. Ngunit hanggang sa pagtulog ay tumatakbo pa din ang aking isip. Nagpproseso, nagaanalisa... Paulit-ulit. Ano nga ba talaga kase?
Para mo ng awa, huwag mo ako paasahin sa wala....
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home