Saturday, December 13, 2008

ano ba talaga?

Kagabi, gulong-gulo na talaga ako kung ano ba talaga kame sa isa't-isa. Naiinip na ako, gusto ko na ng kasiguruhan, ayaw ko na ng nakabitin lang sa ere.

Matagal ko nang gustong magtanong, matagal ko nang nais maliwanagan, pero hanggang ngayon, nangangapa pa din ako sa dilim. Kaya ngayong na-abot ko na ang aking hangganan, simple lang pala.

Isang bote ng vodka, madameng baso ng sprite, at mas marameng lakas ng loob;

"Ano ang tingin mo saken?" tanong ko
"Mabait at malaki" pabirong sagot mo
"Ang tingin ko sayo mabuting kaibigan" sagot ko naman
"ah. salamat ah" ikaw naman ang sumagot

nagiipon ng lakas ng loob. 2 pang baso ng vodka

"gusto kita, sobrang gusto kita" sabe ko
"ah okay. goodnight" ang tanging sagot mo

Ngayon, alam ko na kung ano talaga ba ang meron tayo, WALA. Meron tayong WALA. =D

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home